Paano ba mag LET GO sa isang taong ayaw mong layuan pero kailangan?!
Mahal mo siya. Mahal ka niya. Yung tipong nangangarap ka na kasama siya. Akala mo kayo na forever. Pero maaalala mo, noon pala yun. Hindi na ngayon. Hindi lahat ng relasyon happy ending. Yun ang katotohanan na lahat merong hangganan.
Kailangan mo lang tanggapin. Tanggapin na minsan ka din naman niyang minahal, yun nga lang hindi siya nagtagal. Sumuko siya. Iniwan ka.
“It’s Over. Ayoko na. Pagod na ako” Yan ang madalas kong sabihin ngayon. Bitter ako e. Kasi iniwan nya ako sa ere! Kung pwede lang na ‘WAG NG MAGMAHAL, para lang WALA NG NASASAKTAN. Minsan kahit galit ka sakanya, hinihiling mo na sana bumalik siya. Handa ka ulit masaktan kasi mahal mo siya. Tanga diba?!
Pero ito ang katotohanan. May mga bagay na mahirap ng ibalik. Yung mga araw na INLOVE KAYO SA ISA’T ISA. AT MAHAL NA MAHAL KA NIYA. Yung mga PANGAKO niyo sa isa’t isa, naglaho. At isa na lang ito ngayong ala-ala.
Pano ka makakapag MOVE ON? Kung bawat bukas mo ng FACEBOOK, Ang lagi mo tinitignan PROFILE NYA?! Tinitignan pictures nya. Binabasa status niya. Bakit ka pa aasa kung ayaw niya na? Kung para sakanya, isa ka na lang nakaraan na kinakalimutan niya na! “Ayoko na. Ang sakit sakit na eh.” Ang daling sabihin pero napakahirap gawin! Kamote talaga yan! Sa umaga pag gising at sa gabi bago matulog naiisip mo pa din siya at kung bakit ka niya nagawang saktan. Tahimik ka na lang iiyak. Wala ka kasing magawa kundi ang umiyak na lang at isipin na siguro nga hindi kayo para sa isa’t isa.
Bawat bagay na makita mo, maiiyak ka na naman. Maaalala mo siya. Habang nasasaktan ka, minamahal mo pa din siya at umaasa pa din na babalikan ka niya. Habang SIYA NAMAN, KINAKALIMUTAN KA NA. Eto payo ko sa sarili ko talaga e.. “KUNG GUSTO MONG MAG MOVE ON PUTULIN MO ANG LAHAT NG COMMUNICATION MO SAKANYA!! AT BIGYAN MO NG CHANCE ANG IBA NA NANDYAN NA HANDANG IBIGAY LAHAT, MAHALIN MO LANG. OO NGAYON NAMIMISS MO SIYA. NASASAKTAN KA. Pero darating ang araw na makakalimutan mo din siya at magiging masaya ka sa piling ng taong talagang magmamahal sayo. Gusto kong dumating yung time na kapag naaalala ko mga nararanasan ko ngayon, mapapangiti na lang ako!
ONLY TIME CAN HEAL A BROKEN HEART.... yan ang reality ni MIDNYT23 so wag mo madaliin lahat dahil pag pinilit mo masasaktan ka lang.... magandang araw mga kaibigan... its mhi MIDNYT23 :)
“Kung iniwan kana huwag mo ng habulin pa. Minsan kasi may mga bagay na kailangan hayaan para hindi lalong masaktan. Bakit ka aasa kung kinalimutan kana? Bakit kapa iiyak kung masaya siya na wala ka? At bakit mo ipaglalaban kung siya mismo pinagtatabuyan kana? its mhi MIDNYT23 :P
TANDAAN: Hindi karapat-dapat ipaglaban, iyakan, at habulin ang mga taong hindi marunong magpahalaga at rumespeto sa nararamdaman ng iba.” hehehe its mhi MIDNYT23 :P nang aanu ka ehhh hehehe....
Paano ka nga ba babangon kapag nalaman mo yung mga nakasanayan mo na ay hindi na pedeng mangyare ulit.?
Ako, kala ko di na ko magiging Ok ulit eh, OA lang pala ko sa part na yun. Kasi, eto ako ngayon, masaya ulit at mas masaya pa. Hindi ko inakalang makakarecover ako for what happened pero one time I saw myself smiling and laughing para dun sa mga nangyare. Kala ko kasi hahanap-hanapin ko yung mga bagay na nakasanayan ko na kasama siya, yung mga bagay na ginagawa namin araw-araw. Pero hindi pala paglilimot yung kailangan natin, kailangan pala yung TIME. Diba may kasabihan ngang,
It takes time to heal all the wounds. Tama ba? Hhaha.. :) Pero gets niyo naman diba? Ayun nga, pinabayaan ko lang sarili kong maka-move on. Kasi nahalata ko, habang pinipilit ko yung sarili kong makamove-on saka pa ko di makamove-on. Hindi naman mawawala agad-agad yung love sa puso natin eh, yung akin kasi andito pa din, pero hindi na ko nagaassume na mbabalik pa. :) Ok na sakin kung ano man yung will ni God.. <3
Magugulat ka na lang nung gabi nasasaktan ka pa at umiiyak tapos pag-gising mo, Wala na, wala na yung sakit na nararamdaman mo. Siguro nasanay na yung katawan mo o baka naman napagod na si puso at isip. :) Let’s wait for the right time. Wag natin madaliin yung sarili naten. May oras para sa lahat, may oras na malungkot ka, pero may oras din naman para sa kasayahan sa sarili natin. :) Wag nating isipin yung mga bagay na alam nating ikakahantong lang ng sarili natin sa kalungkutan. Naisip ko, tayo pala talaga yung nagdedesisyon at pipili kung anong gugustuhin natin sa buhay natin. Basta, piliin nating maging masaya sa lahat ng oras. HANGGAT KAYA NATIN.. :)
ang buhay natin ay paulit ulit lang minsan masaya minsan malungkot at minsan malas pa pero anu man ang dumating sa buhay natin dapat kalmado ka dapat handa ka dapat di natataranta dapat lagi tayo handa tulad ni midnyt habang nahihirapan at habang nasasaktan lalo tumatapang at nag iimprouve para mas maging better person hindi para palalain ang isang sitwasyon.... start ulit ng blogs ko start ulit ang buhay ko dito kada madadapa ako hindi man ako makabangon agad ibig sabihin nun nag papahinga lang ako hindi ako magaling hindi ako perpekto mag papahinga ako pero never ako sumusuko at ayaw ko maging perpekto kasi gusto ko matuto ng matuto gusto ko lagi ako may mali para naitatama ko to para sa susunod maulit man to bago pa mangyari yun alam ko na ang kalalagyan ko o pano sa susunod po ulit na pag susulat ko have a bls day guys its mhi ur night and shinning armor MIDNYT23,, :)
Traumatic love experience.
This kind of love experience leaves a huge scar on someone’s heart. It makes it to be angry, mad, and aggressive. That’s why a person with such experience tends to hurt someone’s feelings. They want others to feel the pain they felt before. They do it on purpose for some reason. They become selfish and only think of their selves. They became afraid on loving someone that only broke their hearts before that’s why now they’re the ones who breaks someone’s heart in return. Their hearts gets cold and hard and only thinks for it’s own good. There’s nothing left in their heart but pain, sadness and sorrow and a little love that remains for their selves.
in this case oo nasaktan tayo pero di naman porket nasaktan tayo or niloko tayo ng naging past natin eh dapat gumanti tayu sa ibang tao or mga taong darating sa buhay natin para mahalin tayo same diba tao din sila tulad mo tulad ko nasasaktan din acceptance is the best way wag na gumanti deserve nating lahat magmahal at mahalin pero di natin deserve ang masaktan nangyayari lang yun dahil minsan mali yung taong napipili natin but after that diba mas nagiging matatag tayo kasi natututo tayo at isa pa ganun ang buhay ng mga tao minsan nasasaktan tayo at minsan hindi natin alam nakakasakit din tayo madali mabuhay wag mu pahirapan ang sarili mo masarap din magmahal lalo na kung mahal ka din ng taong mahal mo o cya mejo sumobra nanaman si nidtot kaka sulat ha hehehe enjoy life everyone i always be there to all of you... its mhi MIDNYT23... :)
0 comments:
Post a Comment